Nasawi ang isang lalaki makaraang malunod sa Brgy. Gonzales, Tanauan City, Batangas nitong Linggo ng umaga, October 5, 2025.
Ayon sa ulat ni Patrolman Malabanan ng MPU 4 bandang alas-12 ng tanghali, natanggap nila ang report hinggil sa umano’y pagkalunod ng biktima sa lawa ng nasabing barangay.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang biktima na kinilalang si Josephus, residente ng Brgy. Wawa, Calamba City, Laguna, ay naliligo sa lawa kasama ang kanyang mga kaibigan. Habang nagsasaya sila, napansin umano ng mga kasama na lumulubog na si Josephus sa malalim na bahagi ng tubig.
Sinubukan naman nilang iligtas ang biktima at dinala sa Laurel Memorial District Hospital, subalit idineklara na siyang dead on arrival .
Sa isinagawang imbestigasyon, walang nakitang palatandaan ng foul play. | BChannel news