Isang 32-anyos na lalaki ang patay sa pamamaril sa Excess Lot Summer Wind Phase 2, Barangay Salitran 3 sa Dasmariñas City, Cavite nitong umaga ng December 13, 2025.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Dasmariñas City Police Station, ang biktima at ang suspek ay nagkakaroon ng inuman nang mauwi sa mainit na pagtatalo ang kanilang samahan. Sa hindi pa malinaw na dahilan, nauwi ang diskusyon sa pamamaril.
Dinala agad ng kapitbahay ng biktima sa EAC Dasmariñas para sa agarang medikal na atensyon, matapos siyang tamaan ng dalawang bala sa ibabang bahagi ng katawan. Sa kasamaang palad, idineklara na dead on arrival ang biktima.
Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Jordan, habang suspek naman ay si Arjay, at kasalukuyang nakatira rin sa parehong lugar.
Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at ang motibo sa krimen. | BChannel news