Bumaba ng 12.4 porsiyento ang kabuuang crime rate sa Pilipinas noong 2025 kumpara sa 2024, ayon kay Jose Melencio C. Nartatez Jr..
Batay sa datos ng PNP, bumagsak ang bilang ng mga focus crimes gaya ng murder, rape, robbery at theft mula mahigit 40,000 kaso noong 2024, tungo sa halos 35,700 noong nakaraang taon.
Pinakamalaking pagbaba ang naitala sa kaso ng rape, kasunod ang carnapping at murder.
Ayon sa PNP, patunay ito ng pagiging epektibo ng kanilang Focused Agenda, mas pinaigting na police presence, at mas maayos na ugnayan sa komunidad.
Tiniyak naman ng pamunuan na mas paiigtingin pa ang mga hakbang kontra krimen ngayong 2026 para sa mas ligtas na mga pamayanan.