Isang bettor mula sa lalawigan ng Cebu ang tumama sa P288.6 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa draw noong Sabado ng gabi.
Ayon sa PCSO, binili ang winning ticket sa isang outlet sa bayan ng Compostela at tumugma ang kombinasyong 13-42-06-45-24-33.
Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong buwan na may nag-iisang jackpot winner, kasunod ng ₱14.4 milyong panalo sa Megalotto ng isang bettor sa Sorsogon City.
May 47 pang tumama ng limang numero at tatanggap ng tig-₱100,000.
Paalala ng PCSO, may isang taon ang mga nanalo para kunin ang premyo sa main office sa Mandaluyong City, at ang jackpot ay may 20 porsiyentong buwis. | BChannel news