Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng Five Star Chicken store sa Barangay Sampaloc, Pagsanjan, Laguna nitong Martes, Enero a-6.
Kinilala ang biktima na si Edison, 48 taong gulang, crew ng naturang establisimyento at residente ng San Pablo City.
Bandang alas-11:20 ng umaga nang madiskubre ng isang kasamahan sa trabaho ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa sahig ng tindahan. Agad itong ini-report sa barangay at sa Pagsanjan Municipal Police Station.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, isang kutsilyo na may bahid ng dugo ang natagpuan sa loob ng comfort room ng tindahan, na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya, kabilang ang pagbusisi sa mga CCTV footage at koordinasyon sa SOCO ng Laguna Police Forensic Unit para sa masusing crime scene processing.
Sa ngayon, wala pang kinikilalang suspek ang pulisya at patuloy ang follow-up investigation upang matukoy ang motibo at salarin sa krimen. | BChannel news