Isang 49-anyos na empleyado ng munisipyo ng Padre Garcia, Batangas ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang vendor sa Barangay Bukal nitong Martes ng umaga.
Ayon sa Padre Garcia Police Staation, nakaupo sa motorsiklo ang biktima na si Mike at nakikipag-usap sa kanyang kasama nang dumating ang suspek na si Ron, 38-anyos, sakay ng traysikel.
Bumaba umano ang suspek at agad pinaputukan ang biktima gamit ang isang kalibre .45 na baril.
Tumakas ang suspek matapos ang insidente.
Narekober sa lugar ang limang basyo ng bala at isang itim na holster.
Patuloy ang imbestigasyon at manhunt operation ng pulisya laban sa suspek gayundin ang motibo.