Arestado ang isang 42-anyos na lalaki matapos mahuli sa umano’y illegal logging operation sa Sitio Magahis Uno, Barangay Puting Kahoy, Lian, Batangas, kagabi ng Enero a-26.
Pinagsanib na operasyon ito ng Lian Municipal Police Station at CENRO Calaca City bandang alas-10 ng gabi.
Batay sa imbestigasyon, nabigo ang suspek na si Amiel na magpakita ng kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources para sa tinatayang walong-daang board feet ng acacia o rain tree lumber na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P36,000.00
Nasamsam din ang isang CANTER van na ginamit sa pagdadala ng kahoy.
Agad ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang kaso.
Ayon sa pamunuan ng pulisya, mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng batas laban sa sinumang sumisira sa kalikasan. | BChannel news