Aktibong lumahok ang Philippine Chamber of Commerce and Industry–Lipa City (PCCI–Lipa) sa Civil Society Organizations (CSO) planning na isinagawa sa Provincial Capitol noong Lunes, January 26, 2026. Bahagi ito ng patuloy nitong pakikiisa sa pagsusulong ng kaunlaran sa lalawigan ng Batangas.
Pinagsama-sama ng naturang aktibidad ang mga kinatawan ng iba’t ibang civil society organizations, mga lider nito, at ilang opisyal ng pamahalaan upang talakayin at ihanay ang mga prayoridad sa kaunlaran, gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng pribadong sektor at ng gobyerno.
Ilan sa mga tinalakay sa pagtitipon ang status ng SP Accredited CSOs, orientation on the Creation of Local People’s Council, at timeline para Creation of LPC process.
Namahagi rin si PCCI-Lipa City President Tess Jumarang ng free meals para sa lahat ng kalahok sa nasabing planning session.
Samantala, nagpaabot naman ng suporta si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa mga dumalo sa pamamagitan ng pamamahagi ng 45 grocery packs para sa mga community leader, gayundin ng mga papremyo sa isinagawang raffle draw.
Sa pagtatapos ng sesyon, nagbigay ng huling mensahe si IPP Boy Manguera ng PCCI-Lipa City, kung saan muli niyang pinagtibay ang pangako ng organisasyon na isulong ang pagpapaunlad ng mga komunidad sa buong lalawigan.