Naglabas ng Show Cause Order ang Land Transportation Office laban sa rehistradong may-ari ng isang Bajaj trike na sangkot sa viral video ng delikadong pagmamaneho.
Batay sa paunang imbestigasyon, unang sumagi ang traysikel sa isang motorsiklo at tumakas, saka dumaan sa mga kalsadang bawal sa traysikel. Muli itong nakasagi ng isa pang sasakyan na nagdulot ng sugat sa mga pasahero at minaneho pa umano sa kabilang direksyon ng trapiko.
Pinagpapaliwanag sa pagdinig ang may-ari at driver kung bakit hindi sila dapat maharap sa kasong reckless driving at iba pang paglabag, at kung bakit hindi dapat bawiin ang lisensya ng driver.
Suspendido na ito ng 90 araw at naka-alarm status ang trike habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Ayon sa LTO, mahalaga ang kaligtasan ng publiko at may kaakibat na pananagutan ang walang ingat na pagmamaneho.