Nabuwag ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Rizal Provincial Office at PNP Regional Intelligence Unit 4A ang isang hinihinalang drug den sa Happy Ville, Purok Dos, Barangay Mambugan, Antipolo City alas-singko ng hapon kahapon.
Limang katao ang naaresto kabilang ang umano’y maintainer ng drug den na si Owel, 48 anyos, kasama sina Rodolfo, Kenneth, Samuel at Jennilyn na pawang residente ng nasabing barangay.
Ayon sa awtoridad, dalawa sa mga suspek ang may nauna nang kaso kaugnay ng homicide at murder.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34K piso, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.