Nahuli na ng mga tauhan ng Tanauan City Police Station ang isang Rank 4 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Poblacion 3, Tanauan City, Batangas nitong March 2, 2026.
Kinilala ang suspek na si “Mark,” 45-anyos, driver, at residente ng Barangay Darasa ng nasabing lungsod.
Dinakip ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa apat na bilang ng kasong Rape na inilabas ng Regional Trial Court Branch 83 ng Tanauan City noong October 9, 2025. Walang inirekomendang piyansa ang korte.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tanauan Component City Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, tiniyak ng Batangas Police Provincial Office na paiigtingin pa nila ang kanilang operasyon laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lalawigan. | BChannel news