Idineklara ni President Ferdinand Marcos Jr. ang state of national energy emergency sa pamamagitan ng Executive Order No. 110 ngayong March 24, kasunod ng tumitinding tensyon sa Middle East.
Ayon sa Malacañang, posibleng maapektuhan ang suplay ng langis sa bansa dahil sa kaguluhan na kinasasangkutan ng US, Israel, at Iran—lalo na kung maaantala ang daloy ng oil shipments sa Strait of Hormuz, isang kritikal na ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.
Dahil umaasa ang Pilipinas sa imported fuel, nagbabala ang Department of Energy na may banta ng kakulangan sa enerhiya kung magpapatuloy ang krisis.
Sa ilalim ng kautusan, papayagan ang gobyerno na magpatupad ng fuel allocation at conservation measures upang masiguro ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya sa bansa.