May posibilidad na muling maranasan ang El Niño sa bansa sa mga susunod na buwan.
Ayon sa PAGASA, nasa higit kalahati ang tsansa na mabuo ito, at posibleng tumagal hanggang sa katapusan ng taon.
Ibig sabihin nito, maaaring makaranas ng mas kaunting ulan at mas tuyong panahon sa ilang bahagi ng Pilipinas, na puwedeng humantong sa dry spell o tagtuyot.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na habang nananatili ang El Niño, posibleng magkaroon naman ng mas maraming pag-ulan sa western section ng bansa kapag pumasok ang habagat.
Pinapayuhan ang publiko na maghanda at magtipid sa tubig sa posibleng epekto ng El Niño.