
Matagumpay na isinagawa sa Batangas City Grand Terminal ang Safe Blood For All: Blood Donation Drive nitong Biyernes, Nobyembre 5.
Kabilang sa dumalo sa naturang event ang mga kinatawan ng Batangas Medical Center (BATMC), Office of the Vice Mayor – Batangas City na si Vice Mayor Doc Jun Berberabe, CERES/Goldstar Transport, 7-eleven Grand Terminal Donors at iba pang volunteers.
Samantala, layunin ng programa na makatulong na makapaghandog ng donasyong dugo para sa mga nangangailangan nito higit lalo ngayong panahon ng pandemiya.