Bumisita sa Batangas Capitol, sa Lungsod ng Batangas, si dating Senador Bongbong Marcos upang makipagpulong sa mga kinatawan ng iba’t ibang pampubliko at pribadong samahan sa lalawigan, nitong Nob. 12.
Inabangan ng mga supporters sa labas ng kanilang mga tahanan at opisina ang motorcade ni Marcos mula sa Lipa City hanggang San Jose, Batangas bago ang kaniyang opisyal na courtesy call kay Batangas Gov. DoDo Mandanas,
Samantala, nang tanungin naman si Marcos kung aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo sa kabila ng mga espekulasyon ng pagbabago sa posisyon, wala daw sa ugali nila ang umatras.
Magugunitang noong 1998 ay umatras sa pagkandidato sa pangulo ang ina ni Bongbong.