fbpx

1st MAYOR MARY ANGELINE ‘SWEET’ HALILI INTER BARANGAY BASKETBALL SKILLS COMPETITION, ISINAGAWA SA BATANGAS CITY

Matapos ang halos dalawang taong kawalan ng aktibidad sa larangan ng sports dulot ng kasalukuyang pandemya, unti-unti ng nanunumbalik ang lakas at sigla ng mga kabataang Tanaueño sa larong basketball. Ito ay makaraang idaos ang “1st Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili 3-point shootout” noong nakaraang Sabado, Nobyembre 6, 2021.

Bagamat hindi pa rin pwedeng isagawa ang isang buong laro sa naturang sports bilang pagsunod sa mga panuntunan na itinakda ng IATF, nagpakitang gilas ang 43 kalahok mula sa iba’t ibang barangay sa 3-point shootout na pinagwagian ni Rolando Macaraig Jr. ng Barangay Cale makaraang umiskor ng 16 na puntos. Pumangalawa naman ang pambato ng Barangay Pagaspas na si Aaron Quiatchon (12 points), at pangatlo si Fernando Manalo ng Brgy. Janopol Oriental na mayroong 10 points.

Nakatakda ring idaos ang Shooting Superstar sa November 13, 2021 at Buzzer Beater sa November 20, 2021.

Ang lahat ng kalahok at opisyales sa naturang kompetisyon ay nakakumpleto na ng bakuna. Hindi nagpapasok ng mga manonood sa pinagdausan nito sa Tanauan City Gymnasium 1 subalit napanood naman ito ng “live” sa opisyal na Facebook Page ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, ang Tanauan City Information Facebook Page.

Ang naturang programa na pinamahalaan ng City Sports and Development Office ay dinaluhan nina Vice Mayor Herminigildo Trinidad Jr., mga miyembro ng Sannguniang Panglunsod, City Administrator Rizaldrin Epimaco B. Magpantay, Mr. Mark Anthony Halili bilang Guest of Honor, at Mr. Fortunato Dimayuga Jr., ang nangangasiwa ng City Sports and Development Office.

Juvy Anne Soque / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick P. Lanting

About Author