Patay ang isang taong gulang na batang lalaki matapos mahulog ito sa baha sa bayan ng Pikit, North Cotabato.
Ayon sa ina ng bata, malakas ang ulan sa kanilang lugar kaya tumaas ang baha na pumasok sa kanilang bahay.
Sa kagustuhan na makaligtas ay umakyat sila sa bubong dahil wala na rin silang maupuan man lang.
Subalit dahil basa ang bubong ay nadulas ang bata at tuluyang nahulog sa baha.
Tinangkang sagipin ito ngunit huli na dahil nalunod na ang bata bukod sa tinamong sugat nito sa katawan. | BNC