fbpx

LIMANG BATA, KABILANG ANG 7-BUWANG GULANG NA SANGGOL, NILAMON NG LUPA

Limang magkakapatid na may edad 8 taon, 6 taon, 4 taon, 2 taon at isang 7-buwang gulang na sanggol ang mga nasawi matapos ang ‘deadly landslide’ sa Purok 2, Sawsaw Brgy. Mandulog, Iligan City nitong Linggo ng madaling araw.

Itinuturong sanhi ay ang paglambot ng lupa na dulot ng Intertropical Convergence Zone at walang humpay na pag-ulan, na nagresulta sa biglaang pagguho ng lupa.

Pawang natutulog pa ang mga biktima nang gumuho ang lupa.

Samantala, maswerte namang nakaligtas ang kanilang mga magulang na nagtamo ng mga sugat sa katawan matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay kabilang ang 7 pang mga kabahayan na natabunan din ng lupa. | BNC

About Author