Isang labi ng dating seaman ang natagpuan sa loob ng drum na palutang-lutang sa ilog sakop ng Solana sa Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Rowel Unabia, 32-taong gulang.
Ayon sa imbestigasyon ng pulis, isang construction worker ang nakatagpo sa drum na palutang-lutang sa Cagayan River.
May saksak sa dibdib ang biktima. Isinilid ito sa drum saka ipinaanod sa ilog.
Ayon sa asawa ng biktima, agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya nang mabalitaan na may nakitang bangkay sa isang drum sa ilog.
Wala din silang alam na dahilan para patayin ang biktima.
Samantala, patuloy pa din iniimbestigahan ang karumal-dumal na krimen. | BNC