fbpx

VP ROBREDO, TINIYAK NA BABALIK SA MGA FILIPINO ANG NINAKAW NG PAMILYA MARCOS

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na ibabalik niya sa sambayanang Filipino ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos kapag naluklok siya bilang presidente sa national election 2022.

Ayon kay Robredo, kumpleto ang record para patotohanan ang mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Duda rin si VP Robredo sa pangako ng dating senador na pagagandahin niya ang buhay ng bawat Filipino kapag siya ay nahalal.

Aminado si Robredo na mahirap patumbahin sa presidential elections si Bongbong. dahil kailangan niyang makuha ang 70 porsyento ng boto ng Bicol Region para ipantapat sa tinatawag na “Solid North” voting bloc.

About Author