Posibleng muling ibalik ng gobyerno ang pagsusuot ng face shields bilang dagdag proteksyon sa gitna ng banta ng Omicron coronavirus variant, ayon sa Nationall Task Force Against Covid-19 (NTF).
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ay titingnan nila ang posibilidad na pagpapatupad ng face shield policy.
Sinabi rin ni Galvez na pabor si Health Secretary Francisco Duque III na magpatupad ng pamamaraan na makatutulong para labanan ang coronavirus.