fbpx

1 TAONG GULANG NA BATA, NAATRASAN NG CARGO TRUCK, DUROG

Durog ang katawan ng isang taong gulang na batang lalaki matapos maatrasan ng cargo truck sa bayan ng Alabel, Sarangani.

Kinilala ang driver na si Renante Undray, na labis ang pagsisi makaraang sumuko sa pulisya.

Ayon sa pulisya, sumuko ang driver dahil sa sumbat ng konsensiya.

Batay sa ulat, pinabantayan ng ina ng bata ang biktima sa kapatid nito na 8 taong gulang lamang nasa loob ito ng bahay.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na na nasa kustodiya na ng awtoridad.

About Author