fbpx

DEPED HUMIHIRIT NG DAGDAG NA POLL DUTY PAY PARA SA MGA GURO SA DARATING NA 2022 ELECTIONS

Nakahanda ang Department of Education (DepEd) na tumulong sa Commission on Elections (COMELEC) para makahingi ng mas mataas na pondo mula sa Kongreso para sa karagdagang benepisyo ng mga guro na magsisilbi sa papalapit na eleksyon.

Una nang pinagbigyan ng Comelec ang DepEd sa hiling na mas mataas na honoraria at allowances para sa mga guro.

Ayon sa DepEd ang hinihingi nilang dagdag pondo ay para sa karagdagang proteksyon ng kanilang mga guro at iba pang tauhan ngayon nananatili ang pandemya dulot ng COVID 19.

Kabilang sa mga nais nilang benepisyo ay ang mga sumususunod.

1.Pagbibigay ng Special Risk Allowance (SRA) na katumbas ng maximum na 25 porsiyento ng buwanang pangunahing suweldo/sweldo.

2.Pagbibigay ng allowance sa pagkain at tubig na nagkakahalaga ng P1,000 kada araw

3. Health Insurance Coverage para sa mga mahahawaan ng COVID19 at ang pagbibigay ng mga bitamina at iba pang pandagdag sa immune-boosting

4. Pagbibigay ng swab testing at iba pang serbisyong pangkalusugan kung sakaling magkaroon ng COVID-19 sa panahon ng 2022 National Elections

5. Paglalaan ng mga pondo para sa mga gastusin sa paglilinis at pagkukumpuni/pagpapanatili ng bawat pampublikong paaralan na ginagamit bilang sentro ng pagboto

6.Pagbibigay ng honoraria para sa mga miyembro ng DepEd Monitoring and Coordination Teams ng 2022 DepEd Election Task Force

“We will continue to coordinate with Comelec these significant requests for our teachers and poll workers, who are dedicated to champion clean, safe, and fair elections next year,” ayon pa sa inilabas na pahayag ng DepEd.

About Author