fbpx

50, 877 PAMILYA NABIYAYAAN NG PAMASKONG HANDOG SA TANAUAN

Sa kabila ng patuloy na pagbabadya ng mga panibagong variants ng Covid-19 virus, patuloy naman ang pagbibigay saya ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa mga nasasakupan nito.

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili, 50,877 pamilya ng lungsod ang tumanggap ng “Noche Buena Packages” mula sa lokal na pamahalaan sa ilalim ng “Pamaskong Handog 2021 Program”. Layunin ng naturang programa na maipadama sa sambayanang Tanaueño ang diwa ng kapaskuhan sa kabila ng dinaranas na pandemya.

Ang inilaang pondo para sa naturang programa ay mula sa tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

via CIO-Tanauan

About Author