
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng “International Day of Persons with Disabilities” na may temang “Leadership and participation of persons with disabilities toward an inclusive, accessible and sustainable post-Covid-19 World”, nagkaloob ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan alinsunod na rin sa direktiba ni Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili, ng tig-limang (5) kilong bigas sa 2800 rehistradong Persons With Disability sa lungsod ng Tanauan.
Ang programang ito ay naglalayong ipaalala at ipadama ang pantay na karapatan ng mga kababayan nating PWDs sa aspetong panlipunan, pang-ekonomiya, pang-kultura at politikal. Naglalayon din ito na palakasin ang suporta para sa kanila ngayong panahon ng pandemya.
Ipinamahagi ang nasabing ayuda sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na pinangangasiwaan ni Mr. Garry M. Pecayo. Dinaluhan rin ito ni Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad gayundin ni Kon. Czylene T. Marqueses.