fbpx

COVID-19 FOOD ASSISTANCE PACKAGE, PATULOY ANG PAMAMAHAGI SA TANAUAN

Patuloy pa rin ang pamamahagi ng Food Assistance Package ng Pamahalang Lungsod ng Tanauan para sa Tanaueñong nagpositibo sa Covid 19-virus. Ang naturang programa ay inisyatiba ni Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili at nasa ilalim ng pamamahala ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.

Bagamat malaki na ang ibinaba ng kaso ng hawaan sa lungsod, hindi tumitigil ang lokal na pamahalaan sa paghahatid ng suporta para sa mga pamilya ng mga nagpositibo at naapektuhan ng naturang sakit.

Sa isinagawang distribusyon noong Disyembre 14-17,2021, may kabuuang 1144 Food Packages na naglalaman ng 25 kilong bigas, at mga delata ang ipinamahagi ng CSWD sa pamamamagitan ng mga kinatawan ng bawat barangay.

via CIO-Tanauan

About Author