fbpx

LIBU-LIBONG PERA NA NAPULOT NG MAGSASAKA, IBINALIK SA MAY-ARI

Nangibabaw ang katapatan ng isang magsasaka na senior citizen matapos niyang ibalik ang kanyang napulot na bag na may lamang limpak-limpak na salapi.

Kinilala ang ‘good samaritan’ na si Rosito Laranjo, nakuha ang bag na may lamang P36,000 nang mahulog ito sa kalsada.

Ayon sa pulisya ng Brgy. Kapatagan, Digos, Davao del Sur , marami ang natuwa sa pagiging tapat ng magsasaka kaya bumuhos ang tulong kay Laranjo.

Bihira na kasi sa panahon ngayon ang matapat at nagbabalik ng mga napulot lalo na kung ito’y pera.

Naisoli naman sa tunay na may-ari ang pera na napulot ni Laranjo.

About Author