
Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa ikalawang sunog ng Linggo.
Sa magkakahiwalay na advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., kinumpirma na madaragdagan ng P0.75 ang bawat litro ng gasolina; P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.90 sa kada litro ng kerosene.
Nilinaw naman na ang pagbabago sa presyo ng kerosene ay hindi ipatutupad sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Maging ang Cleanfuel at Petro Gazz ay magpapatupad ng kaparehong pagbabago maliban sa kerosene.
Ang dagdag presyo ay epektibo ala-6 ng umaga nitong Martes, Enero 11 at alas-4:01 ng hapon para sa Cleanfuel.