fbpx

LOLO PINATAY NA, ITINAGO PA SA SEPTIC TANK

PHOTO: Sariaya Police

Pinatay ang isang lolo bago isinilid ang katawan nito sa isang septic tank sa Sariaya, Quezon, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Valdoria, 75 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hinahanap umano ng apo ng biktima ang kanyang lolo nang mapansin nito ang duguang tsinelas malapit sa butas ng septic tank sa kanilang likod bahay at dito na tumambad ang kanyang lolo na wala nang buhay.

Agad sinabi ng bata sa kanyang tiyuhin ang kaniyang nasaksihan, kaya naman tumawag agad ito sa mga otoridad.

Nang dumating ang mga pulis sa lugar, napansin nila ang saksak sa mukha ng matanda na umano’y naging dahilan sa agarang pagkamatay ng biktima.

Samantala, inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo at mga tao sa likod ng pagpatay sa biktima. | JP

About Author