Ayon kay Health Secretary Francisco Duque nasa status na ng ‘critical risk’ classification sa COVID-19 ang Pilipinas dahil sa mabilis na pagsirit ng kaso.
Dagdag pa ni Duque, ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa critical risk classification na may pagtaas na 690% sa seven-day average ng iniulat na kaso kada araw.
Pinaniniwalaang dahil sa Omicron variant ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 kung saan nahigitan nito ang Delta variant bilang dominanteng variant sa Pinas. | JP