fbpx

COMELEC ITINANGGING NA-HACK ANG VOTE COUNTING MACHINES

Itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) na natangay ang mga ‘usernames at PINs’ ng mga vote counting machines (VCMs)

Agad na itinanggi ng Commission on Elections na natangay ang mga ‘usernames at PINs’ ng mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa 2022 Elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez na wala pang ‘independent verification’ na naganap sa ulat na inilabas ng isang pahayagan na na-hack ang servers ng komisyon.

Tahasan niyang itinanggi na natangay nga ng mga hacker ang nasa 6 gigabyte na datos mula sa kanilang server kabilang ang ‘usernames at PINs’ ng mga VCMs.

Tniyak ni Jimenez na patuloy na tumutugon ang Comelec sa Data Privacy act, at patuloy ang kooperasyon sa National Privacy Commission.

Magsasagawa umano ng sariling berepikasyon ang Comelec sa ulat ng hacking, partikular sa kung sino ang nag-berepika na may nagaganap na hacking sa kanilang server. | JP

About Author