Simula ngayong buwan, makatatanggap ng dagdag na sahod ang may 1.7 milyong empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni House Deputy Speaker at 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero na ito ang ikatlo sa apat na taong pagtataas sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno sa ilalim ng Salary Standardization Law 5, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-8 Enero 2020.
Makararamdam ng pagtataas ang lahat ng empleyado ng gobyerno mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa.
Ang mga nasa salary grade 1 naman ay tatanggap ng P12,517 o pagtaas na P483.
Ang mga nurse sa gobyerno ay tataas ng P1,522 o mula P33,575 ay magiging P35,097.
Para sa mga public school teacher na may pinakamababang salary grade 11 ay tataas ang sahod ng P1,562 at magiging P25,439.