Patay ang isang 36-taong gulang na mister sa Tayabas City, Quezon matapos magpakamatay makaraang awayin ng misis dahil sa perang ipinatalo sa online sabong.
Ang biktimang ay nadiskubreng nakabitin sa kisame ng kanilang bahay noong umaga ng Sabado.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ilang araw bago nagpakamatay ang biktima ay ilang beses itong nakaaway ng kanyang asawa.
Matindi umano ang sama ng loob ng misis ng biktima nang madiskubreng ang perang inipon nilang mag-asawa ay ipinatalo at ipinusta lamang ng biktima sa online sabong.
Wala namang nakikitang foul play ang mga imbestigador sa pagkamatay ng biktima.