fbpx

LALAKING KINALIMUTAN MAGBAYAD NG UTANG, TINAGA NG ITAK

Kritikal ang isang 32-anyos na lalaki matapos tagain ng isang lalaki na kanyang kapitbahay makaraang makalimutan nito ang P500 na inutang, makaraang matalo ito sa sabong.

Naganap ang krimen nitong nakaraang linggo sa Toledo, Cebu kung saan nasugatan ang biktimang si Charlie Benihagan Caro. Nadakip naman ang kapitbahay nitong si Roel Lee Gepitulan Cabuenas.

Sa ulat ng pulisya, nakaupo umano ang biktima sa harap ng isang tindahan sa Lower Barangay Awihao, Toledo nang Sugurin ito ng suspek na armado ng itak.

Mabilis naman umanong nasangga ng biktima ang itak ng dalawa nitong kamay na nasugatan. Agad din itong tumakbo saka humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Sinubukan namang tumakas ng suspek ngunit naabutan pa rin siya ng mga awtoridad bago pa man umalis sa kanilang bahay matapos makapag-empake.

Ayon sa suspek, ilang buwan na niyang sinisingil sa utang na P500 ang biktima. Pinautang niya umano ang biktima nang matalo ito sa pustahan sa sabong pero hindi na siya binayaran

About Author