Pinadidisqualify ng dating asawa ng reality TV personality na si senatorial aspirant Rafael “Raffy” Tulfo sa Commission on Elections (Comelec) sa pagtakbo sa pagka-Senado si Tulfo dahil sa kanyang conviction sa libel.
Nanindigan si Julieta Licup-Pearson, na ang libel ay isang krimen na may kinalaman sa moral turpitude at pinal at executory ang hatol.
Ibinasura ng 2nd division ng poll body ang inihain ni Licup-Pearson na disqualification ni Tulfo noong Disyembre dahil sa hindi nito paglakip ng kopya ng kanyang certificate of candidacy.
Sa kanyang pinakahuling petisyon, iginiit niya na si Tulfo, ay dapat ma-disqualify dahil siya ay nahatulan ng libel noong 2019 ng Makati Regional Trial Court na ang hatol ay pinagtibay ng Korte Suprema. JMP