
Arestado ang apat na lalaki sa isang anti-illegal gambling operation sa bayan ng Sto. Tomas sa Batangas nitong Linggo ng Pagkabuhay.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga nahuling mga suspek na sina Marcelo Buenavente, 33 years old. Teodoro Arellano, 49, Jeric Domingues, 30 at Albert Llames, 30 na mula sa rin sa Sto. Tomas, Batangas.
Ayon sa Sto. Tomas City Police Station, dakong alas 2:38 ng hapon ay nagsagawa ng anti-illegal operation against illegal cockfighting ang Intel Operatives ng Sto. Tomas CPS sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Danilo Mendoza matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Barangay na mayroong mga taong nasasangkot sa illegal na sabong.
Kaagad namang pumunta ang mga operatiba sa nasabing lugar upang kumpirmahin ang gawain kung saan nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek dahil nahuli sila sa akto na sangkot sa ilegal na sabong.
Nakumpiska mula sa mga suspek mga dalawang manok na pangsabong, dalawang piraso ng gaff ng mga manok at bet money na nagkakahalagang PHP 1,100. Sa ngayon naka-detain na ang mga suspek at hinahanda na ang mga kaso ng paglabag sa Presidential Decree No. 449 o Illegal Cockfighting. | B.CHANNEL NEWS TEAM / INTERN