
Nasa mahigit 263-milyong piso ang ginastos ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang kampanya noong 2022 presidential elections, ayon sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.
Sa SOCE na inihain ni Attorney Drixel Dabatos noong Martes, nasa P623,230,176.68 ang gastos sa kampanya ni Marcos Jr. sa kampanya, na nakapaloob pa rin ng P674 milyon na limitasyon.
Ang dokumento ay nagpakita rin na walang anumang mga expenditures mula sa kanyang personal na pondo at resources.
Ipinaliwanag ng kanyang kampo na ang ginastos para sa kanilang siyamnapung araw na kampanya ay ang cash at in-kind na kontribusyon na natanggap ni Marcos Jr. na umabot sa P624.6 na milyong piso.
Batay sa SOCE, nakatanggap si Marcos Jr. ng cash contribution mula sa “ibang mga mapagkukunan” na nagkakahalaga ng P373.25 milyon at in-kind na kontribusyon na nagkakahalaga ng P4.2 milyon.
Nakatanggap din ng in-kind na kontribusyon si Marcos Jr. mula sa kanyang partido, ang Partido Federal ng Pilipinas, na nagkakahalaga ng P247.234 milyon. Inaasahang manunumpa si Marcos Jr. sa National Museum sa Hunyo 30. | Balisong News Team | HJTiangco