
Isang patay na sanggol ang natagpuang lumulutang sa Alitao River sa sitio Ibaba, Barangay Wakas sa Tayabas, Quezon noong Martes ng umaga.
Natagpuan bandang alas-diyes y medya ng umaga ang sanggol na nasa pito hanggang walong buwang gulang ng isang grupo ng mga kabataan na nasa ilong para manghuli ng isda.
Matapos ito, nagsumbong ang mga kabataan sa hepe ng barangay tanod ng Barangay na agad namang magsumbong sa Tayabas City National Police.
Ang mga pulis kasama ang mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction Management Office ay rumesponde at kinuha ang bangkay ng sanggol at nakipag-ugnayan sa pinuno ng City Health Office.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matunton ang ina ng sanggol at masampahan ng kaukulang reklamong kriminal. | Balisong News Team | Heinrick James Tiangco