Isang insidente ng pamamaril ang naganap nitong Martes bandang 1:25 pm ng tanghali sa Barangay District 4, Balayan, Batangas .
Kinilala ng Balayan Police ang biktima bilang si Jimmy Mirabueno Fuentes 37 na taong gulang, may ari ng isang paayusan ng sapatos.
Base sa salaysay ng mga saksi habang nasa kanyang tindahan ang biktima, isang itim na motorsiklo na walang plate number ang dumaan kaagad na bumunot naman ang back rider nito ng baril at sunod sunod na pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Agad na tumakas papalayo ang mga suspek.
Samantalang isang security guard naman ng kalapit na pawnshop ang nadamay sa insedente.
Idineklarang dead on arrival ang biktimang sI Jimmy Fuentes, samantalang stable na at nagpapagaling naman sa hospital ang security guard na nadamay sa nasabing krimen.
Patuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at sa motibo ng krimen. | Francis Villafranca/Intern