fbpx

TANGGAPAN NG DEPED SA BATANGAS CITY NILOOBAN AT NINAKAWAN

Nilooban at ninakawan ang DepEd Batangas Public School Teacher and Employees and Cooperative (BPSTECC), nangyari ang insidente Martes ng madaling araw sa Barangay Bolbok, Batangas City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakunan ng security camera ang naganap na nakawan. Bandang 1:30 ng umaga makikitang sa CCTV footage na pinasok ng mga kawatan ang Provincial Office ng DepEd sa pamamagitan ng pagsira sa mga grills sa banyo. Nakuhanan din ang pag diretso ng mga suspek sa isang vault.

Natangay ng mga suspek ang cash na humigit kumulang 157, 855 thousand pesos.

Patuloy ang pag iimbestiga at pagtugis ng Batangas Police sa mga suspek. | Francis Villafranca

About Author