
Nasamsam ang mga pulisya ang nasa humigit-kumulang na 5.6 na milyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa lalawigan ng Sulu noong Huwebes.
Ayon kay Colonel Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao bandang alas-nuwebe y medya ng gabi, tatlo ang arestado nang maharang ang kanilang bangkang de motor na may nakapaloob na mga smuggled na sigarilyo.
Kinilala ni Verceles ang mga suspek na sina Alman Hassan, at mga tripulante na sina Rajim Alih at Mudzmar Habibul Ajijul.
Isang police team sa pangunguna ng Sulu Maritime Police Station ang naglunsad ng anti-smuggling campaign matapos silang makatanggap ng impormasyon na may motorboat na naghahatid ng mga smuggled na sigarilyo.
Nakuha mula sa bangkang de motor ng mga suspek ang 189 na master case ng samu’t saring smuggled na sigarilyo. | James Tiangco