fbpx

WAGAYWAY EQUALITY AT GRUPONG APEKTADO NG HIV NAGSAMA UPANG ISULONG ANG PAGPASA NG MGA HINAING AMENDMENTS SA  HIV ORDINANCE NG PROBINSYA NG BATANGAS

PHOTO | WAGAYWAY EQUALITY

PRESS RELEASE | Muling sinamahan ng Wagayway Equality ang grupo ng mga taong mayroong HIV  kasama ang mga partners nila gaya ng BATMC -Wellness zone  para sa pagpasa ng HIV ordinance sa probinsya ng Batangas.

Nagpamalas ng pagkakaisa ang mga miyembro na apektado ng HIV at stigma o key population kung tawagin.Umapela ang grupo sa agarang pag pasa  sa mga inihaing amendments sa HIV ordinance ng probinsya kung saan layunin nito na mabawasan ang stigma o diskriminasyon sa mga apektado ng HIV.

Ayon sa Center for Health Development Regional Office IV -A Regional Epidemiology Surveillance Unit nasa mahigit 1500 na Batangueno ang namumuhay na mayroong HIV. 

Nakaranas ng matinding pasakit ang mga apektado ng HIV lalo noong panahon ng pandemya kung saan diskriminasyon, limitadong serbisyo, at nadedelay na gamot ang inabot ng mga mayroong HIV.

Ang aming hiling para sa kapakanan ng mga kababayan ng ating mga board members ay agaran itong ipasa ngayong termino at huling session nila.” ayon kay .Joseph Mendoza, officer ng Wagayway Equality .

Ang Wagayway Equality Inc. ay isang community led, non profit organization na nakabase sa Batangas City at nagooperate sa buong probinsya para sa Sexuality, Health and Rights services para sa kabataan, LGBTQ+ at mga PLHIV. | Balisong News Team

MIYEMBRO NG LGBTQIA+  RUMAMPA SA DINAOS NA EQUALITY NIGHT PARA ISULONG ANG KARAPATAN KONTRA DISKRIMINASYON SA BATANGAS CITY

Rumampa kasama ang mga miyembro ng Duty Bearers at LBTQIA+ sa Batangas na ginanap na Equality Night (Pride Month Event) kamakailan.

Kasabay sa naganap na pag rampa ay ang pagsasama-sama ng mga LGBTQIA+ leaders, opisyales ng gobyerno at iba pang mga partners, na kung saan sila ay nangako at nagkaisa sa layunin na alisin ang stigma at diskriminasyon sa probinsya ng Batangas. 

Naging oportunidad din ng mga sumali sa pag martsa o rampa upang ipahayag sa madla ang kanilang mga layunin at nakikitang issues galing sa community.

Nagpadala naman ng mensahe ng pagbati at pasasalamat si Senador Risa Hontiveros sa Wagayway Equality sa pag organize at pagdaraos nito ng Equality Night: Rampa, Protesta at Pag Ibig; paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan, karapatan at pagsusulong ng mga polisiya para sa kapakanan ng LGBTQIA+ at mga PLHIV sa Batangas. 

Dagdag pa ni Senador Risa Hontiveros patuloy niyang paninidigan at pangakong maipapasa na ang SOGIE Equality Bill na nagsusulong sa karapatan ng kahit sino kontra sa diskriminasyon.

Kasama din sa mga isinusulong ng pagtitipon ay ang pagpasa ng HIV ordinance sa probinsya ng Batangas. | Balisong News Team

About Author