fbpx

PANGULONG DUTERTE, PINIRMAHAN NA ANG EXPANDED SOLO PARENTS WELFARE ACT

Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Expanded Solo Parents Welfare Act nitong Martes ilang araw bago siya bumaba sa pwesto.

Base sa bagong batas ay makakatanggap ng karagdagang parental leave, scholarship sa kanya at ng kanyang anak at cash subsidy buwan buwan para sa mga minimum wage earners pababa.

Matatandaan na sinabi ni Outgoing Senator Richard Gordon noong Disyembre ng nakaraang taon na tinatayang 15M solo parents ang makikinabang ng batas na ito kapag napirmahan na ito ng pangulo.

Isa din ang grupong GABRIELA sa mga nanawagan noong Abril 2022 na pirmahan na ni Pangulong Duterte ang batas na ito. | via Justine Cabezas

About Author