fbpx

MGA ATLETANG PINOY NA NAG-UWI NG MEDALYA SA 31ST SEAG TATANGGAP NG MID-YEAR BONUS

Inanunsyo ng Philippine Olympic Committee (POC) na may nakalaang ₱11.150 milyon para sa mga atletang nag-uwi ng medalya sa nakaraang Southeast Asian Games sa Vietnam. Pinangunahan ng MVP Sports Foundation ang dagdag na incentives ng mga manlalaro.

Matatanggap ng 417 na mga atleta ang nasabing cash bonuses gamit ang kanilang Landbank accounts. Naka depende ang halagang makukuha base sa medalyang naiuwi ayon kay POC president Bambol Tolentino.

“Most of these medalists may not know it yet, but once they check their Landbank accounts, they’ll find out about the bonuses from the POC.” ayon pa kay Tolentino. Surpresa umano ito sa SEAG medalists giit pa ng POC president.

Naisaayos na rin ng POC ang budget sa distribusyon ng bonuses, ₱5.78 milyon para sa mga first placers, ₱3.35 miyon sa second placers at ₱2.02 miyon naman sa third placers ng nagdaang SEA Games.

Nagtapos ang Pilipinas sa ikapat na pwesto baon ang 52 ginto, 70 pilak at 105 tansong medalya. Habang dinomina ng host country, Vietnam ang mga laro tangan (205-125-116), sunundan ng Thailand (92-103-136) at Indonesia (69-91-81). | via JAIRO NIL PAGTALUNAN

About Author