fbpx

MAGSAYO BIGONG MAPANATILI ANG KORONA, UNANG TALO SA PRO SCENE KONTRA VARGAS

Mark “Magnifico ” Magsayo bigong depensahan ang hawak na WBC featherweight title kontra kay Rey Vargas via split decision loss, kahapon, Linggo sa Alamadome, San Antonio, Texas.

Nagpakawala ng isang matinding kanan si Magsayo sa ninth round upang pabagsakin si Vargas subalit hindi ito naging sapat nang makuha ni former superbantamweight champion Vargas ang split decision, (115-112), (115-112) at (114-113), pabor sa Mexican challenger.

Naging bentahe ni Magnifico ang unang round ng bakbakan habang nagawa pang kontrolin ng ating kababayan ang 10th at 12th round ngunit hindi ito naging sapat.

Sa 2nd round ay naramdaman na ang 3-inch reach disadvantage ni Magsayo at tuluyan nang dinomina ni Vargas ang laban hanggang 7th round.

Ang unang pagkatalo ni Magsayo (24-1-0 16 KOs) sa kaniyang professional boxing career ay napabilang sa mga Filipino boxing champions na bigong depensahan ang kani-kanilang mga belt ngayong taon. Ito ay sina Nonito Donaire, Jerwin Ancajas at Rene Mark Quarto.

Sa panayam kay Magsayo, bagamat nabigo, buo naman ang salita na magbabalik siya na mas malakas.

For Website

JAIRO NIL PAGTALUNAN

About Author