Nasawi ang siyam na katao nang sumalpok ang van sa isang truck sa General Santos City bandang alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes.
Ayon sa ulat Traffic Enforcement Unit ng General Santos City Police Office, 9 ang nasawi habang lima ang sugatan.
Sumabog umano ang gulong ng van dahilan para mawalan ng kontrol ang driver kaya bumangga sa kasalubong na truck.
Nayupi ang van at tumilapon ang mga sakay na pasahero.
Sa ngayon, patuloy ang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.