
Bumaba na sa 146 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon noong Miyerkules, Agosto 31.
Ayon sa datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office ng Quezon, bumaba mula 154 hanggang 146 ang active cases ng COVID-19 sa kabuaang probinsya ng Quezon.
Naitala ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 noong Agosto 7, na may bilang na 275.
Nangunguna rito ang Bayan ng Lucena na mayroong 37 active COVID-19 cases.
Lumabas sa pinakahuling datos na inilabas ng IPHO na 13 sa 41 na munisipalidad sa lalawigan ang wala nang naitalang kaso ng COVID-19.
Nitong Miyerkules, nakapagtala ang Quezon Province ng 34,316 COVID-19 cases, 32,585 recoveries, at 1,585 na nasawi mula nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020.
Inaantabayanan pa rin ang bagong alert level status na ilalabas ng Department of Health sa susunod na dalawang linggo. | Chasthine Fuentes, Intern