fbpx

DOJ SEC. REMULLA, GUMAGAMIT UMANO NG MARIJUANA AYON KAY SUSPENDED BUCOR DIR. BANTAG

Pinabibitiw sa pwesto ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla dahil wala umano itong kredibilidad na mamuno.

Ayon sa isang panayam, sinabi ni Bantag na imbes na siya ay pag-initan ay mas mabuting bumaba na lang si Remulla sa pwesto.

Sinabi pa ni Bantag, dahil na rin sa umano’y pandaraya sa imbestigasyon hinggil sa pagpatay kay Percy Lapid.

Pinaratangan pa ni Bantag ang justice secretary sa plano nitong tumakbo sa politika sa 2025 at ginagamit lamang ang DOJ para sa kanyang exposure.

Tahasang sinabi rin ni Bantag na ginagamit lang ni Remulla ang kasong pagpaslang kay Lapid para takpan ang isyung kinasasangkutan ng kaniyang anak na si Juanito Jose Remulla III matapos mahulihan ito ng parcel na naglalaman ng P1.3 million halaga ng high-grade marijuana.

Ibinunyag din ni Bantag na gumagamit ng marijuana si Remulla at sinusubukan nito na kontrolin ang mga drug lord sa bilangguan.

Inamin pa ni Bantag na inutos din ni Remulla ang pagpapalaya sa dalawang persons deprived of liberty na sina Engelberto Durano at Nonilo Arile.

Sa ngayon wala pang nilalabas na pahayag ang justice secretary matapos ang mga ibinunyag ni Bantag

About Author