fbpx

MOTORCYCLE RIDER, PATAY MATAPOS MABANGGA NG TEN WHEELER TRUCK SA BATANGAS

Dead-on-arrival sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng nabangga ng ten-wheeler-truck sa kahabaan ng highway ng Barangay Lumbang Calzada Calaca city Batangas dakong alas-6:40 ng umaga noong Sabado, Nobyembre 12, 2022.

Kinilala ang biktima na si Romeo Villanueva, 42 taong gulang habang ang driver ng ten-wheeler-truck ay si Reynaldo Lirag.

Nagtamo ng matinding pinsala ang biktima at namatay habang dinadala sa Ospital ng Calaca.

Sa ulat ng kapulisan, hindi binanggit kung ang mga nasawi ay nakasuot ng helmet para sa proteksyon gaya ng ipinag-uutos ng Motorcycle Helmet Act of 2009.

About Author