Kalunos-lunos ang sinapit ng mag-inang Indian national matapos pagnakawan ay hinalay pa ang batang anak sa tinitirahan nilang condo unit nitong madaling araw ng Huwebes, sa Quezon City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang lalaki ang tinitirahan ng mga biktima.
Ayon pa sa report, sinakal muna ang ina bago binusalan ang kanyang bibig at saka sinaksak sa dibdib.
Base sa salaysay, minolestiya pa ng mga suspek ang anak na batang babae bago nakawin ang P4 Million na nasa cabinet saka tumakas.
Nagawa pang tumawag ng ina sa guwardiya ng condo at isinumbong ang nangyari.
Sa ngayon iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente at inaalam kung may CCTV sa lugar na makakatulong para matukoy ang mga suspek.